Archive for April 17th, 2008

17
Apr
08

Commercials na Patok!

At dahil napag-uusapan na rin natin ang mga all-time aztig na commercials, ating balikan ang mga ginintuang dekada kung saan pumatok ang iba’t ibang commercials dito sa Pinas…

Carl kalabaw…. Carl kalabaw

hahahaha.. sino ang nakaka-alala nitong commercial na ‘to.. sa natatandaan ko, sumikat ito noong 2002.  Nakakatuwa na commercial dahil kahit ang isang patpatin na tao, pagnagkataong Carl ang pangalan nya e, mag-iinstant damulag na kalabaw na sya.  At ang mga matagal nang mukhang kalabaw e nagiging Carl ang pangalan nila.

Gets mo na? Gets mo na?!  Ahhh, Coca-Cola!

Nauso ang larong ito dahil sa nabanggit na commercial.  Kahit sino yata na hamunin mo ng ganitong laro e hindi aatras dahil sila mismo, kinabisado ‘to at ginaya sa harap ng tv.

Sa bukid walang papel, kiskis mo sa pilapil…

Naging LSS din ito ng ibang tao sa loob ng ilang araw.  Maganda na commercial, nagpapakita ng talento ng mga pinoy: ang the will to survive! hehehehe…  Bigla kong naalala ang isang kakilala na ginawa ang ganitong bagay.  Nature trip yon, nawala lang siya bigla at pagbalik nya, yon ang kinakanata.  Ampotah, alam ko na ang ginawa at inamin naman nya!

Bakit ngayon lang ako?!  Kanina mo pa ‘ko hinihintay ha?!  Di ko ba alam na nakaka-inis yung ginawa ko?!  I hate me!  I hate me!  I hate me!

Patok na patok tong commercial na ‘to ilang taon nang nakalilipas.  Ginaya pa nga ‘to sa Bubble Gang eh.  At naging diskarte na rin ng ilang mga nale-late para hindi masyadong masakit ang mga sampal na aabot sa kanila.  Kung sa mga anak at magulang, magandang flow din ‘to ng sermon.  Unahan mo na ang mga magulang mo na magpalayas sa sarili mo.  “Walang hiyang anak ako.  Hala cge, layas ako, layas!”

***Hanggang dito muna tayo dahil sa kasalukuyan ay nasa isang paglalakbay pa rin tayo tungo sa paghahanap at pag-aalala sa mga all-time faves na commercial.***

Kayo?!  Alam kong mga TV addicts din kayo at marami din kayong maibabahagi sa kwentuhang ito…




If you are blind, what would be your favorite color?

I like black. Black is confident. Black looks good. Looking good means no dandruff. Confidence means no dandruff. CLEAR means no dandruff. I trust CLEAR. Dandruff never comes back. My name is REI.

Ang Galing ng mga Taga-Egypt!

April 2008
S M T W T F S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

AND HE SAID:

EMO IS GOOD BUT ONLY FOR AN HOUR. AFTER THAT, YOU'RE A DRAMA QUEEN

a

Mga Bisita sa Asylum

  • 16,067 ang natanggap na dalaw ng pasyente