*click the pic for more pix*
Hindi lang pala ako nag-iisa. Hindi lang pala ako ang weird.
Biruin mong gustong maging bartender ng utol ko?! Nakabog ang beauty ng ate nang makita ang “I want to be a bartender,” sa screen habang tumatanggap ng diploma ang mahal kong boy version. Bartender?! Mukhang nasapian yata ng espiritu ng alak ah?! Pero unique nga daw sabi ng bunso namin. Aba, san ka nga naman makakakita ng trabaho na may themesong aside sa “Dr. Jones” at ”Prinsipal”?! Si akon pa ang kumanta, bangis!
Abam gusto rin ng kumag na walang kapareha, magkapatid nga!
Ngayon, hindi na talaga mapagkakaila na magkapatid nga kami. Kung ang ate spokeperson ng Red Horse, ang utol e bartender ang tirada. Payter!
Pero kahit magkaganon pa man, proud ako sa utol ko hindi lang dahil sa naka-graduate na siya sa elementary at nabubuo ang Rubik’s Cube sa loob lang ng ilang minuto (oo, kaya nya talaga yun), kundi marunong na siya magdesisyon para sa kinabukasan niya. Tsaka isa pa, elementary pa lang siya, magbabago pa yan. Ako nga e, ang trabaho na ginusto ko nung araw e maging Nintendo Game Tester pero sa Mass Comm ako nauwi. Basta, kung saan siya masaya, andun din ako dahil ako ang ate, ang magsisilbing gabay niya. Pero bago siya maging bartender, kelangan muna niyang makabisado ang statement ng RH sa likod, hehehe. Hindi natin alam, siya ang magiging pinakamagaling na bartender sa mundo at makaka-innovate ng maraming mixes (pwede ang RH series?!). Malay natin, siya pala ang tutupad sa mga frustrations ni mama sa ‘kin na mag-abroad at dun magtrabaho, di ba mas aztig yun?!
“I want to be a reporter,” yan ang sabi ng classmate niyang si Jeresse. Dahil feeling bagets at nakikibarkada ako sa utol ko at nagsisilbing photographer nila, nalaman ko kung sino ang crush niya. Aba magaling pumili, maganda at simple. At hmmm… gusto ring maging reporter ng crush nya. Aba, magaling talaga na bata, hehehe.
“Experience that distinctive full-flavored taste and extra satisfying strength of a world-class premium strong beer.”
-Red Horse

Mga Nakiramay sa Pasyente