
magkano ang palit ng toothfairy sa wisdom tooth?!
Tumatakbo. Nag-iingay. Nagpapasaway.
Sa tuwing tinatanong ako kung bakit kasing-kulit ko raw ang isang bata e isa lang ang sinasabi ko: “Kasi nga bata pa ako, wala pa nga akong wisdom eh. Tignan mo, hindi pa ko tinutubuan ng Wisdom Tooth,” sabay pakita sa mga ngipin ko na tadtad ng pasta (bakit ba kasi hindi ako nasanay na magtooth brush matapos bumanat ng sandamakmak na tsokolate?!) na wala pa nga talaga akong wisdom tooth.
Safe answer.
Oo, safe answer nga yun. Ayon sa aking standard ng pagiging mature e kailangan ka munang tubuan ng wisdom tooth. E bakit ba tinawag na wisdom tooth ang wisdom tooth?! Di ba para maging palatandaan na kelangan mo nang itigil ang pagkabata.
Grow up dude! Continue reading ‘Level up!’
Mga Nakiramay sa Pasyente