
Katatapos lang namin kumain at gaya ng nakagawian, nagtipon-tipon ang pamilya sa sala para manood ng TV. At sa gitna ng panonood, bigla na lang akong tinanong ng mama ko:
“Nak, kelan ka mag-aabroad?“
What?! Seryoso kayo?! Time-pers, time pers…
Sa dami ng sinabi ko sa inyo tungkol sa mga gusto kong gawin sa buhay ko e ang pagtatrabaho sa ibang bansa ang wala sa isip ko.
“Abroad?! Walang problema. Pero pupunta lang ako sa ibang bansa para lang magbakasyon.“
Ni sa panaginip, hindi ko inisip na pupunta ako sa ibang lupalop para magtrabaho at lalong lalo na wala akong balak magpa-alipin sa mga dayuhan. Tanga na nga siguro ako para piliin na manatili dito sa Pinas sa kabila ng bulok nating sistema pero ano na lang kaya ang mangyayari sa bansa natin kung lahat ng mamamayan nito e mas pipiliing umalis at magtrabaho sa ibang lugar kaysa dito ibigay ang serbisyo nila?! Siguro nga hindi ko pa nararanasan ang hirap na sinasabi na nagtulak sa ilan para mangibang bansa pero kailangan bang maranasan muna ang hirap bago gumawa ng paraan?! Kung may oportunidad para umunlad, bakit kailangan pang patagalin?! Ika nga ng ilan, “Go for the kill!”
xoxoxox
Galing kami sa isang event at habang pauwi, nag-usap kami ng aking kaibigan tungkol sa mga plano ko pagkatapos mg-college:
“Maraming sikat at kilala na mga kompanya dito. Tingnan mo, may kontak ka na sa MYX Mag, siguro naman mas pipiliin mo na dito na lang magtrabaho.“
Natahimik ako. Oo, yun nga ang mga bagay na gusto kong mangyari: All access sa mga banda, gigs at events pero naisip ko, bakit ako mananatili sa mainstream kung pwede naman ako pumunta sa indie scene at dun ibuhos ang talento ko para makatulong sa mga deserving na banda?! Balak ko magtrabaho sa Cebu matapos grumaduate (kahit wala pang kasiguraduhan kung ano magiging trabaho ko at kung san ako mapapadpad). Nagbago na nga siguro ang mentality ko mula nang makilala ang iba’t ibang uri ng tao, mga taong passionate sa ginagawa nila. Corny pakinggan pero feeling ko nagiging nationalistic na ‘ko. Nyek!
…Sinagot ko ang tanong niya:
“Oo nga, pero gagamitin ko ang kakayahan ko para lalo pang paunlarin ang lugar na minahal ko na. Ako ang tutulong para lalong makita ng iba ang mga talento na meron ang mga Cebuano. Balang araw, magiging kilala silang lahat.“
Idealistic na nga siguro ako pero hindi naman masama na magplano para sa ikauunlad ng bayan mo diba?!
Balik sa pag-aabroad, gagawin ko lang siguro yun kung may documentary akong kelangan gawin o magiging spokeperson ng RH at ambassador of peace. ^_^






Mga Nakiramay sa Pasyente