Archive for February 18th, 2008

18
Feb
08

Swiper No Swiping!

Como estas?” (how are you?), “estoy bien, gracias, y’tu?” (im fine thank you and you?), “estoy bien, tambien!” (also fine!). Wala tayo sa mga tele-nobela noong panahon ni Mari-Mar. Spanish Class namin yan. Kala ko ganyan lang kadali, hindi pala. Habang tumatagal, nagiging komplikado ang lahat. Pag-aaralan muna ang mga letra, salita hanggang sa umabot na sa mga possessive adjectives, pronouns at mga regular at irregular verbs. Dalawang beses sa isang linggo ako magdurusa mag-aral ng ganitong lengguahe, dalawang beses mangangapa, dalawang beses pipiliting ipasok ang impormasyon sa utak at dalawang beses luluha ng dugo. Wala akong magagawa kung ayaw tanggapin ng utak ko ang mga dayuhang salita mula sa kanluran, eh sa hindi nga ma-process eh! Tska kahit pa na naging lengguahe ito ng mga ninuno natin, matagal nang panahon yun! Date check: February 2008 na ngayon, daan-daang taon na tayo nakalaya sa anino ng mga espanyol.

Ngayon, nauunawaan ko na ang nararamdaman ng mga estudyante kong koreano tuwing nagtuturo ako ng English sa kanila, “teacher, teacher! I’m tired. I want go sleep.” Hai, kung pwede lang din sabihin ito sa aming guro ngayon, bahala nang walang “TO”.

Say abre, ABRE!” Bigla ko na lang naalala ang kumare kong si Dora. Kung ganyan siguro ang paraan nga pagtuturo ng aming guro ngayon, mas masaya pa! Laging kayong kakanta, sasayaw, tatlo lang destinasyon nyo, isa-isa lang ang mga salita na gagamitin, hihingi ka ng tulong kai map at backpack, may kursor na iikot-ikot sa paligid at ang kelangan mo lang pag-ingatan ay si Swiper the Fox: “Swiper no swiping! Swiper no swiping! Swiper no… swiping!” “Oh man!” wow pare, interactive! bagsik! Hahaha! Cool!

Napag-uspan na rin naman natin ang Spanish malapit na ko matapos sa Spanish speech ko, halos nakagawa na rin ako ng isang playlist ngayon ng mga Spanish songs na naririnig ko sa mga videoke sessions sa bahay tuwing may okasyon:

El mundo, your love is all I need in my world.” hahahah. paksyet!

 

I can´t wait a moment more

Tell me quando, quando, quando

Say it´s me that you adore

And then, darlin´, tell me when.

 

Pa-order pa nga ng isang stallion at kropek! hik!




If you are blind, what would be your favorite color?

I like black. Black is confident. Black looks good. Looking good means no dandruff. Confidence means no dandruff. CLEAR means no dandruff. I trust CLEAR. Dandruff never comes back. My name is REI.

Ang Galing ng mga Taga-Egypt!

February 2008
S M T W T F S
    Mar »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
242526272829  

AND HE SAID:

EMO IS GOOD BUT ONLY FOR AN HOUR. AFTER THAT, YOU'RE A DRAMA QUEEN

a

Mga Bisita sa Asylum

  • 16,067 ang natanggap na dalaw ng pasyente