“Tabangi mig pangita ani na bataa beh…”
Featuring…
Ana Coritha “ANA” DesamparadoResponsible for this crime…
Ako, Kirai, Dulce and Jenille (mga engots jud!)Crime Scene:
Metro Ayala Department Store
Focal Reason for this one:
Tripping, hehe!
***FOR MORE PHOTOS, CLICK HERE***
screw mondays.
paksyet!
dead.
2 weeks dead and still counting.
and oh, by the way, i uploaded some new pix on my multiply…
sa mga interesado, punta na lang ko sa link ko, salamat!
Hiatusera?!
Kung dati e hindi ko pinapalampas ang araw nang walang blog entry, ngayon e magbibilang ka pa ng mga araw, pinakamatagal na siguro ang isang linggo bago ka makakita ng isang entry mula sa ‘kin.
Hindi ako hiatusera, kung tutuusin e ngayong panahon lang naman ako nag-hiatus eh. Lagi akong online kaso dati yon! La kasing net connection sa bahay kaya puro Bookworm adventure na lang ang nilalaro ko. Active din ako sa blogging kaso may mga bagay na mas napagtutuunan ko ng pansin ngayon tulad ng: Continue reading ‘Hiatusera?!’

Grab one now!
I was reading MYX MAG’s blog entry earlier and this one got my attention!
“Our Star MYX section features Rachel Sarmiento, a Cebuana, who came to Manila from Cebu the same day of the awards just so she can join in on the festivities. Read on as she gets close to artists and celebrities like Sponge Cola, Silent Sanctuary, Arnel Pineda and even Apl himself!”
Waaaaah! ang resulta ng dugo’t pawis na inalay ko para lang dito! hahahaha! amfufu!
I soo love you MYX, I sooo love you!
Ngayon, seryoso na ko…
SINONG MAY GUSTO NG CHEESEBURGER?! heheheh..

PULP SUMMER SLAM 8 // FOREVER
Amoranto Stadium Quezon City // April 26, 2008 // Gates Open at 12PM
Featuring:
Darkest Hour, Mahatma, King Ly Chee, The Jumping Jacks, Rex
Plus Performances by:
Urbandub, Queso, Kamikazee, Sandwich, Slapshock, Greyhoundz, Intolerant, The Dawn, Kadangyan, Faspitch, The Chongkees, Concrete Sam, April Morning Skies,
Oremuz, Kaikatsuna, Reklamo, COG, Balatek, Gayuma (Red Horse Muziklaban Grand Champions 2007), The Pin-up Girls, Teenage Hero, Saydie, Pedicab, Kjwan,
Chicosci, Typecast, Piledriver, End of Man, SIN, Valley of Chrome, Moonstar 88, Manibela.
Tickets for only 220 @ Any Odyssey outlets
Earth Day Jam 2008

HEAR MOTHER EARTH ROCK THE NIGHT OUT!
EARTHDAY JAM 2008
FRIDAY. APRIL 25, 2008 @ TOMAS MORATO, QUEZON CITY
Featuring Performances by:
Barbie Almalbis, Callalily, Guarana, Imago, Juan Pablo Dream, Kjwan, Lou Bonnevie, Moonstar `88 , Noel Cabangon, Pinikpikan, Radioactive Sago Project, Reggae Mistress, Rivermaya, Sandwich, SinoSikat ? ,Sitti, South Border, The Company, The Philippine Latin-Jazz Orchestra, Up Dharma Down, Zelle, and many more…
Everyone is invited to come as early as 5PM to take part on different activities and have a peek on booths and exhibits put up by different envi-groups.
BE PART OF THE BIGGEST EARTHDAY CELEBRATION!
IT’S FUN, FREE AND IT’S FOR MOTHER EARTH!
RAKENROL!
Commercials na Patok!
At dahil napag-uusapan na rin natin ang mga all-time aztig na commercials, ating balikan ang mga ginintuang dekada kung saan pumatok ang iba’t ibang commercials dito sa Pinas…
“Carl kalabaw…. Carl kalabaw“
hahahaha.. sino ang nakaka-alala nitong commercial na ‘to.. sa natatandaan ko, sumikat ito noong 2002. Nakakatuwa na commercial dahil kahit ang isang patpatin na tao, pagnagkataong Carl ang pangalan nya e, mag-iinstant damulag na kalabaw na sya. At ang mga matagal nang mukhang kalabaw e nagiging Carl ang pangalan nila.
“Gets mo na? Gets mo na?! Ahhh, Coca-Cola!“
Nauso ang larong ito dahil sa nabanggit na commercial. Kahit sino yata na hamunin mo ng ganitong laro e hindi aatras dahil sila mismo, kinabisado ‘to at ginaya sa harap ng tv.
“Sa bukid walang papel, kiskis mo sa pilapil…“
Naging LSS din ito ng ibang tao sa loob ng ilang araw. Maganda na commercial, nagpapakita ng talento ng mga pinoy: ang the will to survive! hehehehe… Bigla kong naalala ang isang kakilala na ginawa ang ganitong bagay. Nature trip yon, nawala lang siya bigla at pagbalik nya, yon ang kinakanata. Ampotah, alam ko na ang ginawa at inamin naman nya!
“Bakit ngayon lang ako?! Kanina mo pa ‘ko hinihintay ha?! Di ko ba alam na nakaka-inis yung ginawa ko?! I hate me! I hate me! I hate me!“
Patok na patok tong commercial na ‘to ilang taon nang nakalilipas. Ginaya pa nga ‘to sa Bubble Gang eh. At naging diskarte na rin ng ilang mga nale-late para hindi masyadong masakit ang mga sampal na aabot sa kanila. Kung sa mga anak at magulang, magandang flow din ‘to ng sermon. Unahan mo na ang mga magulang mo na magpalayas sa sarili mo. “Walang hiyang anak ako. Hala cge, layas ako, layas!”
***Hanggang dito muna tayo dahil sa kasalukuyan ay nasa isang paglalakbay pa rin tayo tungo sa paghahanap at pag-aalala sa mga all-time faves na commercial.***
Kayo?! Alam kong mga TV addicts din kayo at marami din kayong maibabahagi sa kwentuhang ito…
SILENCE!!! I kill you…
boring na buhay… hehehehe..

Ilang araw na ‘kong nakaburol sa bahay. Limang araw nang walang internet ba wari bay limang buwan. Isang kaibigan ang nagyayaya sa mga night-trip adventures nya pero alam nyo naman na strict ang parents so hindi pwede. Kala ko nga magkikita na kami ni Mo kahapon sa isang vegetarian foodfair (oo, veggies, tamang foodtrip lang) kaso hindi natuloy dahil erpats ko lang ang pumunta sa Camp Aguinaldo, di ako naka-hitch. Tsk, sayang, mukhang sa Cebu talaga kami nakatakdang magkita ulit.
At dahil homebuddy na ‘ko, may namumuo na rin na cosmic attachment sa pagitan namin ng TV. Nakakatuwa ang mga TV commercials. Nakakawala ng bagot at nakakakuha ka rin ng tamang pambanat. Bwisit na bwisit ako dati sa mga commercial dahil mas matagal pa sila kaysa sa mga programang pinapanood ko at hindi ko talaga mawari kung bakit nagpapaulan ng pana at nagkapak-pak ng itim si Piolo Pascual sa commercial ng isang shampoo at kung ano ang kinalaman ng vitamins sa pangarap ni Angel Locsin na makapagbigay ng trabaho sa mga tao. Pero ngayo e tuwang tuwa ako sa ibang mga commercial.
“I’ve travel half the globe to find the best tasting chicken soup.“
Nakakatuwa ang guts ng foreigner for food sake at san ka nga ba makakakita ng ‘Philippine native chicken,’ ayon sa foreigner nga na yon na marunong magpaawa effect?! Onli in da Pinas lang!
Kung sa Mcdo e kahit na ano na lang ang idadahilan, makapag-cheeseburger lang, sa ‘min e kahit na anong dahilan na lang para masabi ang dialogue na ‘yon…
“Waw, ansarap ng luto ni papa, pa-cheeseburger ka naman, burger! burger! burger!” Chorus pa kaming tatlong magkakapatid. Sana nga totohanin nila ermatz at erpatz ang cheeseburger! (meditate-meditate…)
Syempre, kung andyan ang payatot na si Mcdo, hindi rin magpapatalo ang opposite nyang si Jollibee. Nagulat ang mga tao sa Hideout (sarado ang Hideout nun, easter sunday e) sa naging reaksyon ko sa commercial ni Jollibee. Wow, ang paborito kong masscot mula pagkabata (hanggang ngayon) e nagsasalita. “Thank you po,” lang ang sinabi nya pero ilang minuto akong hindi nakaget-over dun. Biruin mo, sa buong buhay ko, walang ginawa si Jollibee, kundi magpakita sa mga birthday party at sumayaw at ngayon e naririnig ko na syang magsalita! Ang saya-saya!
Nagtaka ako nang biglang magtakip ng tenga yung bunso namin at yung kalaro nya at nag-iingay para hindi marinig ang isang bagay. Ampotah, yung commercial lang pala ng Nestle’ Cream. Nakakatakot daw kasi yung tugtog, hahaha! Aaminin ko, kahit ako nagulat nung unang beses kong napanood ang commercial na ‘yon. Amfufu naman kasi, bakit kasi hindi sinarapan yung fruit salad?!
Pero wala pa ring tatalo sa commercial ng Red Horse kung saan ang higanteng si Rudy Hatfield e pinatumba ng mga rock n roll legends. Biruin mo, nagsama-sama sila Ely Buendia ng Eraserheads, Marc Abaya ng Kjwan, Karl Roy ng P.O.T., Basti Artadi ng Wolfgang at Reg Rubio ng Greyhoundz sa isang aztig na commercial! En ‘da ever alive en kicking Pepe Smith ng Juan dela Cruz band leading the guys, bagsik! Ika nga ni Pareng Pepe, “Rakenrol!“
…Kayo, anong komersyal ang tumatak sa isip nyo?!








Mga Nakiramay sa Pasyente